I. PAMAGAT- “Ang Liongo”
II. SUMULAT- Isinalin lamang ni Roderic P. Urgelles sa
wikang Filipino.
III. TAGPUAN- Baybaying-dagat sa Kenya
Ozi at Ungwana ng Tana Delta
Shangha sa Faza o isla ng Pate
Bilangguan
Watwa
IV. MGA TAUHAN- Liongo- siya ang pangunahing tauhan.
Mbwasho- ina
ni Liongo.
Haring Ahmad- pinsan ni Liongo at
kinilalang kauna-unahang naging hari o namuno sa Islam.
Mga
naninirahan sa kagubatan.
Gala o Wagala-
mga nakalaban ni Liongo.
V. BUOD-
Si Liongo at isinilang sa baybaying-dagat ng Kenya.
Nasa kaniya ang karangalang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Hindi
rin siya nasusugatan ng kahit na anong mga armas, pero kapag siya ay natusok o
tinusok ng karayom sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Siya ay hari ng Ozi at
Ungwana ng Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate. Sinakop niya ang
trono ng Pate na napunta sa kaniyang pinsan na si Haring Ahmad at siya ay
nagtagumpay rito. Ninais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya kinadena niya
at kinulong sa bilangguan. Ngunit si Liongo ay malakas kaya naman nakatakas ito
at nanirahan sa Watwa. Nagsanay siyang humawak ng busog at palaso kaya naman
nanalo siya sa isang paligsahan na kaniyang sinalihan na pakana ni Haring Ahmad
para siya ay mahuli, ngunit siya ay nakatakas pa rin. Nagkaroon ng anak si
Liongo na lalaki, pero ang anak niya mismo ang pumatay sa kaniya.
VI. ARAL NG MITO-
Huwag basta-basta magtitiwala kahit sa
kadugo pa natin. Dahil misan ang kadugo din natin ang gumagawa ng masama sa
atin.
VII. KUNG IKAW MAG BIBIGAY NG KAKAIBANG TWIST SA MITO PAPAANO
MO ITO BIBIGYAN NG KAKAIBANG TWIST ? IPALIWANAG AT MAG BIGAY NG HALIMBAWA.
Bibigyan ko ito ng magandang twist na babagay din sa kwento
at pwedeng magbunga ng kaayusan.
Halimbawa ay ang magkaroon ng paligsahan para sa posisyong
hari at kung sino man ang manalo ay tanggapin na lamang ng natalo. O di kaya ay
magtulungan sila pareho.
Comments
Post a Comment